2012 PNU Freshmen Greetings!

2012 PNU Freshmen Greetings!

Isko at Iska! Dahil proudly PNUan ka na, narito ang ilang importanteng punto para sa pagiging tunay na GURO NG BAYAN: 1.) Ipamalita sa buong mag-anak mo na nag-aaral ka sa Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro (sa bisa ng R.A. 9647) na nagluluwal ng mga kalidad na guro ng bayan
2.) Mag-imbita sa handaan (kung meron man), i-post sa FB, dahil mura pa rin ang tuition fee ng pamantasan (35 pesos per unit)

3.) Mag-aral at lumaban ng higit sa loob lang ng pamantasan, may mga prof na tulog, napuyat sa raket kagabi dahil walang sweldo (at hindi pa niya natatanggap ang dagdag na 6,000 na minimum na sahod para sa mga kawani)

4.) Mag-GM, dahil 3 beses kinaltasan ng budget ang PNU (umabot sa P116.15 M ang kaltas) , manawagan ng mas mataas na alokasyon ng GDP para magkaron tayo ng komportableng salumpuwit at silid-aralan

5.) Laging isaisip ang iyong “intergenerational responsibility and accountability” na huhubog sa kaisipan ng mga susunod na pundasyon sa buong pilipinas

6.) At huli, pagpugayan ang sarili dahil sa napiling propesyon (nasa magna carta natin na tinuturing tayong professionals as student-teacher)! ^_^

Read More 2012 PNU Freshmen Greetings!

Tayong Kapatid, Kabarkada, Kapuso’t Kapamilya

Masayang manuod sa telebisyon Lalo na’t – Uy! Si congressman yun! kasama si senator! tsaka si general! pati si punong hukom! aba! hindi nagpapatalo si mayor! – meron pala silang bagong pelikula, magkakaapelyido pa   Kaya pala, kapuso’t kapamilya – kay presidenteng tatay nila ang negosyong media kasosyo nya pa ang amerika   Hanggang sa… Read More Tayong Kapatid, Kabarkada, Kapuso’t Kapamilya

Pagtubos sa Tubuhan* (Reginald Kira Pradanos)

Naroon sila sa tubuhan Pumuputok ang mga ugat Sinasampal ng sikat ang likod at batok Bumubuhos ang lahat ng tubig sa katawan Biglang may dumating Binakuran ang tubuhan Nagsulputan ang mga mall, golf course at kumpanya Sinunog ang maraming pananim Nilason ang lupa Bang! Bang! Bang! Humandusay ang iba kasama ang kanilang kalabaw Unti-unting nawala… Read More Pagtubos sa Tubuhan* (Reginald Kira Pradanos)